CPP-NPA LALAYLAY SA PAGKAMATAY NI JOMA

DAHIL sa pagkamatay ni Jose Maria Sison ay mistulang gumuho ang herarkiya ng Communist Party of the Philippine-New Peoples Army-National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA-NDF na itinatag nito para marahas na ilagay ang sarili sa kapangyarihan.

Ito ang inilabas na statement ng Department of National Defense kaugnay sa pagpanaw ng 83 anyos na CPP-NPA founder Ka Joma Sison kamakalawa ng gabi sa The Netherland.

“His death deprived the Filipino people of the opportunity to bring this fugitive to justice under our country’s laws, ani DND spokesperson Director Arsenio Andolong.

Ang kanyang pagkamatay ay nag-alis ng pagkakataon sa mamamayang Pilipino na dalhin ito sa hustisya sa ilalim ng mga batas ng ating bansa, ayon pa sa inilabas na pahayag.

Sinasabing si Sison ang responsable sa pagkamatay ng libu-libong mamamayan na kung saan ang mga inosenteng sibilyan, sundalo, pulis, bata at kabataang mandirigma ay namatay dahil sa kanyang pag-uutos.

Kaya’t sa kalatas na inilabas ng DND, panawagan nito sa natitirang iilang mananampalataya ng komunistang kilusan na hindi sinasadyang naging kaaway ng bayan na nabubulag pa rin sa mga duplicit at bigong pangako sa kanila ng kilusan na talikuran ang marahas at huwad na ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.

Limang dekada ng brutal at madugong pananalakay laban sa estado at sambayanang Pilipino ay walang ibang naidulot kundi pagkawasak at alitan para sa libu-libong Pilipino.

Ani Andolong, isang bagong panahon na wala si Jose Maria Sison ay sumisikat para sa Pilipinas at lahat ay magiging mas mabuti dahil sa ang pinakamalaking hadlang ng kapayapaan para sa bansa ay wala na at mabibigyan na ngayon ng pagkakataon ang kapayapaan. VERLIN RUIZ