SAN JUAN CITY – NAARESTO ng pulisya ang isa umanong lider ng New People’s Army-Communist Party of the Philippines (NPA-CPP) sa isang hospital sa lungsod na ito.
Ayon kay San Juan City Police Chief P/ Col. Jaime Santos, nagpapagamot si Jaime Padilla nang ito ay matunton batay sa impormasyong nakuha ng awtoridad.
Sa tala ng San Juan City Police, si Padilla ay tumatayong tagapagsalita ng NPA Southern Tagalog at miyembro ng National Information Bureau ng CPP Central Committee.
Nabulaga si Padilla at tatlo pa nitong aide nang pasukin ito ng pulisya sa Emergency Room ng ospital.
Wala namang nakuhang mga armas sa naarestong mga miyembro ng CPP-NPA.
Dinala si Padilla sa CIDG Kampo Krame para maimbestigahan. ELMA MORALES
Comments are closed.