CPP-NPA-NDF TULOY ANG RECRUITMENT SA KABATAAN

NAGPAPATULOY ang recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front ng mga kabataan na kanilang magagamit sa kanilang aktibidad.

Partikular na target ng mga rebelde ang mga estudyante na mataas ang antas ng pagnanais na kaalaman.

Aminado ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na naghihinala sila sa nasabing aktibidad ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Usec Ernesto Torres, ang kanyang pahayag ay kasunod ng pagsama NTF-ELCAC bilang kanilang miyembro ang Cocopea na samahan ng mga pribadoong eskwelahan.

Ito ay upang mapigilan sakaling pati ang mga pribadong eskwelahan ay napasok na rin ng makakaliwang grupo.

Aniya, ang kanilang information dissimination ay layong mapigilan na malihis ng landas ang mga kabataan.

Palalawakin ng national task force ang kanilang information dissimination sa mga pribadong eskwelahan hinggil sa communist insurgency.

Subalit, binigyang-diin ni Torres na sa ngayon wala nang kakayahan ang komunistang grupo partikular sa pakikipaglaban at magsagawa ng malawakang recruitment.

Batay naman sa datos ng Armed Forces of the Philippines  nasa mahigit 1,000 fighters na lamang mayroon ang komunistang rebelde na nasa ilalim ng apat na aktibong guerilla fronts.

EUNICE CELARIO