NAMATAY na ang chairperson ng peace negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Fidel Agcaoili sa edad 75.
Pumanaw si Agcaoili sa Utrecht, The Netherlands dahil sa pulmonary arterial rupture na nagdulot ng massive internal bleeding.
Paglilinaw din ng kaniyang doctor na walang kinalaman ang sakit nito sa COVID-19.
Iuuwi ang labi nito sa sa Filipinas base na rin sa kahilingan ng kaniyang mga kaanak.
Naging chief negotiator si Agcaoili ng NDFP na siyang nangangasiwa ng usaping pangkapayapaan sa gobyerno ng Filipinas.
Magugunitang hiniling noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng usaping pangkapayapaan para matapos na ang limang dekadang pakikipaglaban ng mga makakaliwang hanay kasabay ng pahayag na handa itong bigyan ng safe conduct pass ng gobyerrno na hindi kinagat ng CPP-NDFP. VERLIN RUIZ
Comments are closed.