HALOS pawala na ang impluwensiya ng Communist Party of the Philippines at armadong galamay nitong New Peoples Army sa grass root level makaraang ideklara ng mga Local Government Unit (LGU) na “persona non grata” ang rebolusyunaryong kilusan sa kanilang mga nasasakupan.
Nabatid na mula sa 42,046 na mga barangay sa bansa, umaabot na sa 12,474 Sanguniang Pambarangay ang nagdeklarang hindi na tanggap ang mga komunista at itinuturing na bilang persona non grata ang mga rebelde.
Sa datos ng Department of Interior and Local Government (DILG)
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año,mula sa 1,715 LGUs sa bansa ay nasa 1,546 ang isinusuka na ang CPP-NPA na binubuo ng 64 probinsiya, 110 siyudad at mahigit 1,300 munisipalidad
Dahil dito, nagpapasalamat si Año sa mga LGU na nagsasarado ng kanilang pintuan at ipinapakita ang kanilang mariing pagtutol sa mga makakaliwang grupo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.