CPP-NPA PINAKAMALAKING SINDIKATO SA PINAS-USEC BADOY

ITINUTURING ng pamahalaan na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang pinakamalawak ang galamay na sindikato sa bansang pinakikinabangan umano ni Jose Maria Sison at mga kasabwat nitong opisyal ang patuloy na pangingikil nito sa ordinaryong mamamayan kapalit ng pananakot at paghahasik ng karahasan.

Ito ang tahasang ibinunyag ni Presidential Communications Operations Undersecretary Lorraine Badoy sa Press Conference sa Masbate City na dinaluhan din nina Joint Task Force Bicolandia Commander MGEN.Henry Robinson,Police Deputy Regional Director for Operations 5 Col.Rodolfo Castil,903rd Brigade Commander Col.Edwin Almase,9th Infantry Battallion Commander Col.Siegfred Awichen,Deputy Provincial Director for Administration Col.Von Araojo,Deputy Provincial Director for Operations Col.Venerando Ramirez at iba pang opisyal ng PNP at Army.

‘Niloloko lang ni Joma Sison at ng kanyang mga kampon ang mga NPA na miserable na ang kalagayan sa kabundukan samantalang silang matataas na opisyal na may hawak ng grupo ay nakatira sa magagarbong bahay na airconditioned pang mula naman sa dugo’t pawis ng sambayanang sunod-sunuran sa kanilang marami na ang pinaslang’ani Usec.Badoy

Halos mapaiyak si Badoy at iba pang dumalo nang isalaysay ng mga asawa nina Jestoni at Joey Lalaguna ang pagdukot at karumal-dumal na pagpaslang sa kanila at tiyuhin nitong si Jose Lalaguna ng mga pinaniniwalaan umanong rebeldeng NPA noong nakaraang linggo sa Bgy. Pina at Miabas,Palanas habang naglalako sila ng paninda roon.

Siniguro naman ni Robinson na mamamatay ng walang kabuluhan ang mga salarin sa Lalaguna killings na responsable umano ang isang Leony Monijar alyas Ka Warren kasabay ng panawagan sa iba pang nalalabing rebelde sa bansa na sumuko na upang makasama ang kanilang pamilyang lubos na naghahangad ng kapayapaan.

Naging madamdamin din ang pahayag ni Vilma Absalon,ina ng pinatay na FEU Football player na si Keith,sa naturang Presscon kung saan sinabi nitong dapat magkaisa na ang lahat upang tuluyan nang matigil ang karahasan sa lalawigang patuloy pa ring dinidinig ang anim na kasong isinampa laban sa mga suspek batay sa update ni Atty Darwin Dimen ng Masbate City Prosecution Service.

Bagaman halos 600 na cadres at sympathizers umano ng NPA ang nagbalik-loob sa sa gobyerno dahil sa matagumpay na ipinatutupad nitong programa sa ilalim ng NTF-ELCAC ayon kay Col.Awichen,tuloy pa rin ang opensiba ng militar laban dito upang tuluyan nang mawasak ang grupo sa lalawigan.
NORMAN LAURIO

177 thoughts on “CPP-NPA PINAKAMALAKING SINDIKATO SA PINAS-USEC BADOY”

Comments are closed.