IPAHAHAYAG ng pamahalaan ang guidelines para sa granular lockdown na nakatakdang isailalim sa pilot implementation ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) ngayong Lunes.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, dati naman nang naaprubahan ang naturang guidelines ngunit hindi lamang ito agad nailabas dahil sa tatlong isyung kailangan pa nilang plantsahin.
“Burahin na po sa isip muna natin dito sa NCR ‘yung mga CQ-CQ dahil ibang panuntunan na po ‘yung ating gagamitin mula September 16,” aniya pa.
Aniya, nakatakda na ring isapinal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ngayong Lunes ang panukalang polisiya upang maaprubahan para sa pilot implementation nito.
“It will be officially announced tomorrow (Lunes), ‘yung pinaka-guidelines (para sa granular lockdown). Banggit ko nga, naaprubahan na ‘to. Meron lang tatlong issue na kailangan i-address, kaya na-delay,” paliwanag ni Densing sa isang panayam.
Matatandaang dapat sana ay noong Setyembre 8 pa ang pilot implementation ng granular lockdown ngunit ipinagpaliban ito ng pamahalaan dahil hindi pa naisasapinal ang guidelines hinggil dito. EVELYN GARCIA
139254 388684Up to now, you need to term of hire an absolute truck or van and will also be removal equipments to valuable items plus look at the new destination. From the long run, which finish up with are few issues except anxiety moreover stress and anxiety. removals stockport 843919
558814 644146Some truly amazing content on this web web site , thankyou for contribution. 680628