MAHIGPIT ang pagbabantay ng Department of Energy (DOE) laban sa illegal trade practices sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sector.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, layunin nitong protektahan ang mga konsyumer mula sa economic at physical dangers, kabilang ang deadly fire incidents.
Pinayuhan ng kalihim ang publiko na iwasang bumili ng mga illegally-refilled LPG canisters dahil ito ay mapanganib lalo na kapag ginamit sa pagluluto sa bahay o establisimiyento.
Aniya, talamak ang illegal LPG refilling sa Visayas.
Binalaan ng DOE ang mga nagsasagawa ng ganitong ilegal na aktibidades na mahaharap sila sa criminal at administrative charges bukod pa sa ipasasara ang kanilang tindahan.
Maliban sa illegal refilling, babantayan din ang pilferage, tampering, conversion ng mga cylinders at ang paggamit ng unbranded, defective at dilapidated na mga tangke.
Comments are closed.