CRACKDOWN SA ILLEGAL FOREIGN WORKERS

grace poe

NAIS na matiyak ni Senadora Grace Poe na gagampanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang tungkulin na suyurin ang mga dayuhang illegal worker sa bansa

Ito ang naging pahayag ni Poe sa ambush interview habang isinasagawa ang pagdinig ng Senado sa pagdagsa ng Chinese illegal workers sa Filipinas.

Ayon kay Poe, isasama ito sa isasagawang crackdown ng DOLE laban sa foreign illegal workers para matiyak na ginagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin.

Sa naturang pagdinig hinikayat ni Poe si Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad na magsagawa ng mga inspection sa mga establisimiyento na may mga nagtratrabahong mga Chinese national upang matiyak kung may working permit ang mga ito.

Lumabas sa pagdinig na 115,000 lamang ang nabigyan ng Alien Employment Permit ng DOLE at 119,000 naman ang nabigyan ng special working permit.  VICKY CERVALES