KINAKAUSAP ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang naulilang kaanak ni Bokal Ramilito Capistrano na inambus sa Malolos City kung saan nasawi rin ang kanyang isang tauhan. Nagsumite na rin ang mga ito ng reklamo laban sa nagtatagong apat na suspek. Kuha ni THONY ARCENAL
BULACAN – SINAMPAHAN na ng kasong 2 counts of murder at 2 counts of Frustrated Murder ang apat na suspek sa pagpaslang kay Provincial Board Member Ramilito Capistrano at driver nito sa Malolos City.
Makalipas ang 11 araw na imbestigasyon ng mga pulis nakilala na ang suspek na pulis na si alyas Uly na taga Navotas City
Sa report ni PNP Provincial Director PCol. Satur L Ediong, dating nakatalaga sa Police Region Office 3 ang naturang pulis ngayon ay nakatalaga sa Camp Crame.
Kasama sa kinasuhan ang tatlong iba pa na may alyas Cesar, Lupin at Jeff.
Ayon kay. Ediong, natukoy ang mga suspek base sa ibinigay na impormasyon ng tatlong saksi sa ambush at sa tulong na rin ng mga kuha ng CCTV footages.
Matatandaang napatay sa ambush si Capistrano, 56 at Shedrick Suarez Toribio, 23, habang nakaligtas sa pamamaril sina Rochelle Palacio Alburo, Nelle Ann Bantique Ramos, 27 na naganap noong Oktubre 3, 2024 sa Brgy, Ligas Malolos City.
Lumitaw rin sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives na apat na baril ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima, isang Super 38, cal.45 at dalawang 9MM pistol.
Kasabay nito’y naglabas ng Reward money si Peoples’ Governor Daniel Fernando, na nagkakahalaga ng Php.500.000.00 sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek na responsable sa karumaldumal na pamamaslang.
Gayunman inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang motibo at sino ang nag-utos sa apat na suspek.
THONY ARCENAL