ISANG 40-anyos na pulis na naka-assign sa Camp Crame ang pinakabagong iginupo ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service, ang biktima na may ranggong staff sergeant ay pang-78 na sa mga nasawi sa COVID-19 mula nang maitala ang unang pumanaw sa naturang sakit noong Abril 2020 o noong isang taon.
Kinumpirma naman ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na namatay si Patient No. 78 noong Hulyo 15 dahil sa Pneumonia at Acute Respiratory failure secondary to COVID-19.
Noong Hulyo 8 ay dumanas ang biktima ng mild symptoms ng COVID-19 at agad isinailalim sa RT-PCR test kung saan positibo ang resulta.
Noong Hulyo 12, nahirapan itong makahinga at inilipat ng ospital at makalipas ang tatlong araw ay pumanaw ito.
“Ibayong pag-iingat pa rin ang ating paalala sa ating mga pulis at magpabakuna upang may dagdag proteksyon sa kanilang pamilya at sarili”, paalala ni Eleazar.
Hanggang kahapon, Hulyo 17, naitala ng PNPHS ang bagong gumaling na 97 PNP personnel na ngayon ay may kabuuang 27,852 recoveries habang 47 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ng COVID-19 sa PNP ay 29,245 habang 1,315 na lamang ginagamot sa iba’t ibang pasilidad.
Samantala, sa datos naman ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na pinamumunuan ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, mayroon nang 61,759 o 28.28% ng PNP personnel ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang 20, 691 personnel ang fully vaccinated. EUNICE CELARIO
167324 548762Aw, it was a extremely great post. In thought I would like to devote writing such as this furthermore,?C spending time and specific function to produce a fantastic write-up?- nonetheless so what can I say?- I waste time alot and never at all seem to obtain one thing completed. 634453