‘CREAM OF THE CROP’ ISASABAK NG ATHLETICS SA SEA GAMES

Philip Juico

KUNG pagbabasehan ang kanilang impresibong laro sa labas ng bansa, walang dahilan para hindi mahigitan ng mga Pinoy trackster ang limang ginto na nakuha nila sa 2017 edition ng Southeast Asian Games sa Malaysia at ang walo na napanalunan sa 1991 edition sa Manila.

“We are fielding our best athletes, led by Brazil Olympian, Tokyo Olympic qualifier and reigning pole vault champion Ernest John Obiena and fel-low SEA Games gold medalists Mark Harry Diones, Aries Toledo at Brazil Olympian Mary Joy Tabal plus a horde of young promising athletes,” sabi ni PATAFA president Philip E. Juico.

Isa pang dahilan kung kaya kumpiyansa si Juico sa ipakikita ng kanyamg mga bataan sa biennial meet na gaganapin sa bansa sa ­Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ay inspirado ang mga ito na manalo at bigyan ng kasiyahan ang kanilang mga kababayan na manonood sa kanila.

“This is one big factor kaya confident ako na kaya natin. They will do everything to win to please their countrymen who will be watching them,” wika ni Juico.

Ayon kay Juico, ang athletics ay kakatawanin ng 30 atleta na kasalukuyang nag-eensayo sa Clark sa masusing gabay nina American coach Roshean Griffin at condition Italian coach Carlo Bussichelli, katuwang ang mga local coach na sina Jojo Posadas, Danilo Fresnido, Arniel Ferrera, Sean Guevar-ra, Joebert Delicano, Dario da Rosas at London  Olympian Rene Herrera.

“We are fielding many athletes to have good chances to win medals. Since we are the host and less expensive, we will maximize the medal potentials fielding many athletes,” pahayag ni Juico.

Bukod kina Cray at Obiena, pambato ng athletics sina Mary Joy Tabal, Mark Harry Diones, Aries Toledo, Jomar Udtohan, Clinton Kingsley Bau-tista, Janry  Ubas, Immuel Camino, Francis Medina, Marco Vilog, John Mantua, Anfernee Lopena, at ang mga Fil-Ams sina Kristina Knott, Natalie Uy, Alyana Nicolas, Carter Lily, Robyn Brown, Said Gulmari at twin sisters Kayla Anise at Kyla.

Sina Obiena, Tabal, Diones at Toledo ay gold medalists sa SEA Games sa Malaysia habang si Kayla Anise ay ‘queen of sprint’ sa 2015 edition ng Games.

Dinomina ni Tabal ang marathon, naghari si Diones sa triple jump, humataw si Obiena sa pole vault at namayani si Toledo sa decathlon.

Sasabak  si Cray sa paborito niyang event, ang 400m at 100m, at posibleng tumakbo sa 4x100m relay kasama sina Lopena, Udtohan at Medina.

Mahigit 40 golds ang nakataya sa athletics sa SEA Games. CLYDE MARIANO

 

 

Comments are closed.