‘CREAM OF THE CROP’ SA NATIONAL AGE GROUP TRIATHLON

SASABAK ang pinakamahuhusay sa bansa sa National Age Group Triathlon (NAGT) sa Jan. 27 at 28, 2024 sa Subic Bay Freeport sa Olongapo.

Ang kumpetisyon ay tatampukan ng Super Sprint Distance (500m swim-10km bike-2.5km run), Sprint Distance (750km swim-20km bike-5km run), Standard Distance Individual and Team Relay (1.5km swim-40km bike-10km run) at Super Trikids events.

Ang mga kategorya ay ang Super Trikids (6 and under, 7-8, 9-10, 11-2); Super Sprint (13-15 boys and girls); Sprint (Elite Men and Women, Jr. Elite Men and Women 16-19 years, at Age Group Men and Women 16-19, 20-29, 30-39, 40-49, 50 and above); at Standard (Men and Women 18-24, 25-29, 3034, 35-39, 40-44, 45-49, 50 and above).

Ang deadline ng registration ay sa  Disyembre 31.

Ang torneo na inorganisa ng Triathlon Philippines na pinamumunuan ni  Ramon Marchan, ay magsisilbing qualifying race para sa 2025 Thailand Southeast Asian Games.

Ang NAGT ay bahagi rin ng trials at talent identification ng triathlon association para sa Philippine team.

Ang sprint elite champions noong nakaraang taon ay sina Filipino-Spanish Fernando Jose Casares (men) at Cebu City’s Raven Faith Alcoseba (women), habang ang mga nagwagi sa  Junior Elite divisions ay sina Dayshaun Ramos ng Benguet at Cebuana Kira Ellis.

(PNA)