Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – PLDT vs F2 Logistics (3rd Place)
6:30 p.m. – Creamline vs PetroGazz (Finals)
SA kanyang debut conference sa PetroGazz, nagpapasalamat si coach Oliver Almadro na nakapasok ang kanyang koponan sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals.
“Well first, I thank the Lord for the strength. Sabi nga nila, the Lord will move to put you in the right direction. So, I didn’t know, I’m not expecting to be in the finals right away, I didn’t really…. I really didn’t expect this,” ani Almadro.
Makakaharap ng Angels ang familiar nemesis sa finals.
Sa ika-4 na pagkakataon magmula noong 2019, ang PetroGazz at Creamline ay magsasalpukan sa title round, kung saan ang defending champions ay angat sa kanilang Finals head-to-head, 2-1.
Inaasahan ni coach Sherwin Meneses, nasa kanyang ika-5 championship appearance, ang umaatikabong bakbakan sa Angels, na winalis ng Cool Smashers sa opening day, sa rematch ng Open Conference finale noong nakaraang season ngayong alas-6:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena.
“Magandang laban. Sa akin pangatlong beses ko ng makakalaban ang PetroGazz,” sabi ni Meneses.
Sa kabila ng pagkawala ni charismatic leader Alyssa Valdez, ang Creamline ay nakausad pa rin sa Finals, pinangunahan ang elims at winalis ang F2 Logistics sa semis.
Subalit naniniwala ang Angels na may materyales sila para pataubin ang Cool Smashers. Kinailangan ng PetroGazz ng tatlong laro para dispatsahin ang PLDT sa Final Four.
Samantala, pinasalamatan ni Almadro ang Angels sa agad na pagtanggap sa kanya at sa pagtulong sa kanya na marating ang milestone sa pagtamo ng isang breakthrough sa kanyang pro coaching career.
“No, I really thank these girls, I really thank these girls kasi they trusted me right away, they trusted me right away. And you know, finals right away, it’s a big blessing. Kasi everybody wants to be in this position,” sabi ni Almadro.
“But, many teams will underestimate us. Many teams will be ‘oh, wala naman yung PetroGazz, hindi naman sila yan, wala naman yan’. But we will show the performance, it will show for itself kung saan kami abutin and kung saan kami dalhin ni Lord,” dagdag pa niya.
“Sabi namin, to reach that dream, kailangan may goal kami. We have to commit and be consistent in that goal so, yun lang, kung san kami abutin, yun lang naman ang atin eh. They are there, kami underdog kami. So, sabi nga namin, trabaho lang kami kung san kami abutin. We’re a strong team, great teams will just push us forward.”
Samantala, sisimulan din ng Cargo Movers at High Speed Hitters ang kanilang sariling best-of-three series para sa third sa alas-4 ng hapon.