CREAMLINE WINALIS ANG ELIMS

UMISKOR si Jema Galanza ng 13 points sa kanyang pagbabalik mula sa Alas Pilipinas duties upang pangunahan ang Finals-bound Creamline sa pagwalis sa Farm Fresh, 25-15, 25-13, 25-19, sa Premier Volleyball League ReiConference kahapon sa Philsports Arena.

Si Galanza ay hindi naglaro sa buong Reinforced Conference at sa unang tatlong Invitational matches para sa Cool Smashers dahil ipinahiram siya sa national team.

Si Galanza ay pinayagan nang maglaro kasama sina fellow Alas Dawn Catindig at Vanie Gandler noong Lunes ng gabi, ngunit hindi nakauniporme sa 25-18, 29-27, 17-25, 25-20 panalo ng Creamline kontra Cignal noong Lunes upang kunin ang isang puwesto sa one-off championship ngayong Huwebes.

Nagtala si Galanza ng 11-of-21 kills, 2 blocks at 5 digs, kung saan ang Cool Smashers star spiker ay ipinasok sa second set.

Makakaharap ng Creamline, walang talo sa apat na preliminary round matches, ang magwawagi sa do-or-die match sa pagitan ng Japan’s Kurashiki at Cignal sa 6 p.m. Final.

Target ng Cool Smashers ang record-extending 10th PVL crown sa kanilang ika-13 finals appearance sa liga.

“Siyempre number one, ‘yung rest ng mga players nadagdagan. Dikit-dikit talaga yung games so thankful kami nakuha namin ‘yung panalo before kami maglaro bukas,” wika ni coach Sherwin Meneses.

“Siyempre ‘yung laban, talagang bukas pa mangyayari so sana maging maganda ‘yung gising namin,” dagdag pa niya.

Bumanat si Japanese Asaka Tamaru ng 10 kills para sa Foxies.

Ang pagkatalo ng Farm Fresh ay nagbigay sa EST ng Thailand ng isang puwesto sa battle for bronze.