CREDIT CARD, ANG MAKULIT NA GENIE

Ah, credit card, ang kulit mo ta­laga! Isang swipe lang sa financial lamp, ibinigay mo agad ang gusto ko. Nakakatukso, nakakabaliw kung minsan.

Pero alam ko na ngayon, na dapat pala, mag-iingat din ako sa mga hihilingin ko, dahil bawat hi­ling, may kapalit — yung babayaran mo monthly.

Yes, ibibigay  ni cre­dit card genie ang wishes mo — kahit ano pa ito — pero kapag nakaligtaan mo ang iyong responsibilidad, here comes the financial mayhem.

Natutuhan ko sa hinaba-haba ng panahon, ang trick ay hindi yung huwag kang mag-credit card kundi  i-tame mo ang credit card. Gawin mo itong tagasunod mo — alpine sa mada­ling salita na susundin ang lahat ng gusto mo, hindi amo na magdidikta sa’yong magbayad ka ng utang mo.

Gamitin sila wisely, magbayad ng maayos, at makikita mo, useful naman pala si credit card.

Tandaang sa bawat swipe, may kaakibat na magic utang, kaya sa bawat paggamit mo nito, dapat ding malinaw ang intention. Necessity ba ang nagustuhan mo o luho lang?

Base sa aking karanasan bilang isang well-travelled young professional, malaki ang naitulong ng credit card sa akin sa       aking mga travels. Hindi ko kaila­ngang magdala ng maraming dollars, at swipe lang ng swipe kung kailangang magbayad, kaya kahit walang cash, tuloy ang ligaya. Nagbabayad lang ako ng cash kapag kumakain o namimili ako sa bangketa, at minsan pa nga, tumatanggap pa sila ng GCash at PayMaya. One more thing, hindi ko kailangang bayaran agad-agad ang mga ginastos ko, kaya mas magaan sa bulsa.

Ngunit kung hindi mo talaga kayang mag-ma­nage ng credit card, at kung gagamitin mo lamang ito para  ma­kabili ka ng iPhone 16, aba, mag-debit  card ka na lang.

JAYZL VILLA-FANIA NEBRE