TARGET ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglagay ng cap o limit sa credit card interest rates upang makasabay sa mga kapitbahay nito sa Asia.
“In the Philippines, credit card interest rates goes up to 40 percent, which to me is unacceptable,” sabi ni BSP Governor Benjamin Diokno.
Kung may cap sa interest rate, mas malaki, aniya, ang magagamit ng mga Filipino sa pasilidad.
Idinagdag pa ni Diokno na panahon na para sandaling tumigil sa pagtapyas sa policy rates dahil muli nang nagbukas ang ekonomiya sa ilalim ng mas maluwag na coronavirus restrictions.
Sa huling pagpupulong ng Monetary Board ay pinanatili nito ang key interest rates sa ‘lowest level’ na 2.25 percent.
Ngayong taon ay ibinaba ng central bank ang overnight borrowing rates sa kabuuang 175-basis points.
“I think we have to appreciate that monetary policy works with a lag now that the economy has started to open, I think it’s time for us to pause and see how the economy is absorbing our monetary policy,” ani Diokno.
Comments are closed.