PASAY CITY – NILINAW ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala silang natanggap na distress call mula sa mangingisdang Pinoy na binangga umano ng Chinese vessel ang kanilang sinasakyang FB Gimver 1 na nakaangkor sa Recto Bank ng gabi noong Hunyo 9.
Ayon kay PCG Spokesperson Captain Armand Balilo, wala silang natanggap na distress call mula sa nasabing insidente, nalaman na lamang ito sa ginawa nilang koordinasyon sa Task Force West on the West Philippine Sea at sa report mula sa mga kaanak ng mga mangingisda.
Sa nasabing insidente, 22 mangingisda ang nagpalutang-lutang ng halos tatlong oras matapos salpukin ng dumaraang barko ang kanilang sinasakyang F/B Gimver 1.
Aminado naman si Balilo na dahil sa napakalaki ng coastline napakahirap bantayan ito.
Subalit tiniyak ng opisyal na nagagampanan ng Philippine Coast Guard ang kanilang mandato na i-secure ang karagatan na bahagi ng teritoryo ng bansa.
Sa ngayon, nasa 10 ang barko ng Coast Guard kung saan ilan dito ay mula pa sa Japan at France na siyang ginagamit sa pagpapatrulya sa karagatan. EUNICE C.
Comments are closed.