BUMABA ang krimen sa unang kalahati ng taong 2023.
Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo na bumaba ang Crime index ng 10 porsiyento sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon kay Fajardo, 18,660 ang index crimes na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan na mas mababa sa 20,765 na insidenteng iniulat sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Kasama sa index crimes ang 8 Focus Crime na theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery at homicide.
Ang lahat ng mga ito ay nakapagrehistro ng pagbaba ng bilang ng mga naiulat na kaso maliban sa Robbery at Homicide na bahagyang tumaas.
Nasa 9 porsiyento ang ibinaba ng theft; 18 porsiyento ang rape; 20 porsiyento sa physical injury; 2 porsiyento ang murder; 9 porsyento ang carnapping ng motorsiklo; at 29 na porsyento ang ibinaba ng carnapping of motor vehicle.
Habang tumaas naman ng 7 porsyento ang Robbery at halos 3 porsyento naman ang Homicide.
EUNICE CELARIO