PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos ang pagtatatag ng PNP Forensics Group, na dating kilala bilang PNP Crime Laboratory.
Ang pagpapalit ng pangalan dating Crime Lab ay alinsunod sa resolusyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) No. 2021-1275 na may petsang September 30, 2021.
Layunin ng pagpapalit ng pangalan ay upang parehas ang pangalan ng PNP Forensics Group sa kanilang mga “counterpart” sa mga ibang bansa sa ASEAN na may kahalintulad na tungkulin.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba, hindi Lang pangalan ang bago ng Forensics Group, kundi mga modernong proseso at kagamitan na sisiguro sa epektibong paghahatid ng hustisya.
Ang PNP Forensics group ang pangunahing responsable sa pagsusuri ng ebidensya mula sa crime scene upang madetermina ang mga “facts” ng kaso na ipiprisinta sa korte. REA SARMIENTO