IBINIDA ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 11.36% ang crime rate sa buong bansa sa unang apat na buwan ng taon.
Pinag-aaralan naman ng PNP na ipatupad sa buong bansa ang 3-minute response ng Quezon City Police District.
Sa datos ng PNP, patuloy ang pagbaba ng naitatalang krimen partikular na ang 8-focused crimes.
Mula Enero umabot lang sa 12,226 ang naitalang krimen.
Mas mababa ito ng 11.36% o higit 1,500 na krimen kumpara sa naitalang datos sa kaparehong panahon noong 2022.
Umaasa ang PNP na lalo pang mababawasan ang krimen oras na maipatupad na ang iba pa nilang anti-criminality strategy.
“Ang aking guidance that to make sure that ‘yung ating mga police force na nasa kalye ay nagpe-perform, ‘yung police visibility, and the police operations should be intelligence-driven, ‘yung mga most wanted persons natin, mga HVIs (high value individual) natin, street level individuals, doon sa illegal drugs there should be arrested or neutralized and then ‘yung mga criminal gang natin nandiyan pa, dapat mawala na rin,” ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.
Kasama rin sa direktiba ni Acorda ang patuloy na internal cleansing sa kanilang hanay upang tuluyang maibalik ang tiwala at respeto ng publiko sa organisasyon.
EUNICE CELARIO