CRIME RATE SA METRO BUMABA SA DUTERTE ADMINISTRATION

Supt-Guillermo-Eleazar

TAGUIG CITY – IPINAGMALAKI ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office na halos 50 porsiyento o kulang sa kalahati ang ibinaba ng crime rate sa Metro Manila sa ilalim ng Duterte government.

Ayon kay PNP-NCRPO Director, Chief Supt. Gen. Guillermo Eleazar, base sa kanilang datos ay nasa 49 percent ang ibinaba ng crime rate sa imperial Manila kumpara sa naitalang krimen sa huling dalawang taon ng nagdaang administrasyon.

“Ito pong first two years ng present administration kung ikukum­para po natin itong crime incident sa last two years ng previous (Aquino) administration, sa Metro Manila 49 percent po ang ibinaba, kalahati po iyon.”

Sa paglilinaw ni ­Eleazar, base sa kanilang record, may pinakamalaking naita­lang pagbaba sa kaso ng carnapping na mahigit  sa ¾  o katumbas ng 76 bahagdan ang ibinaba.

Kinumpara ito ng heneral sa huling dalawang taon ng Aquino  administration na nakapagtala ng 1,432 na carnapping incident sa Metro Manila habang 347 na insidente ng carnapping lang ang naitala sa unang dalawang taon ng Duterte administration.

Samantala, may mga pagbaba rin umanong naitala sa iba’t ibang crime index. May 25 percent na pagbaba sa crime against person at 58 percent ang crime against properties o mga nakawan ani Eleazar.

“Most significant dito ‘yung sa carnapping ng 4-wheeled vehicle na bumaba ng 76 percent. ‘Yung dati pong dalawang taon ng past administration, ang incident ng carnap ay 1,432 itong dalawang taon natin ngayon ay 347 lang po bumaba ng mahigit 1,00 kaya po 76 percent ang ibinaba non,” dagdag pa ni Eleazar.

“Samantala, base pa sa pag-aaral, lumilitaw sa kabuuan o  national level  bumaba ng 20 percent ang krimen compared sa previous two years, pero sa Metro Manila 49 percent po ito,” ani Eleazar. VERLIN RUIZ

Comments are closed.