TAGUIG CITY – PINURI ni National Capital Region Police Office chief, Director Guillermo Eleazar ang kanyang mga tauhan sa puspusang trabaho na nagresulta ng maganda dahil bumababa aniya ang crime rate sa Metro Manila.
Ito ay sa kabila ng resulta ng Social Weather Stations survey sa buong bansa na mayroong 1.8 million Filipino families na nabiktima ng pagnanakaw sa katatapos na anim na buwan.
“While the crime rate is declining “fluctuations” are expected, ang trend natin ay pagbaba ng krimen… ‘Yun pong pag-fluctuate basically expected po ‘yan,” sinabi ni Eleazar.
Ayon pa sa kanya, sa loob ng 30 buwan ni Pangulong Rodrigo sa panunungkulan bumaba ng 54 percent ang common crimes kumpara sa 30 buwan ng Aquino administration.
Ipinaliwanag nito na ang common crimes ay tumutukoy sa pick-pocketing o robbery of personal property, break-ins, car theft, at physical violence.
Tiniyak naman ni Eleazar na bagaman kaunti ang bilang ng krimen ay magpapatuloy ang kanilang pag-sisikap para tuldukan ang kriminalidad. EUNICE C.
Comments are closed.