CRIME RATE SA MINDANAO BUMABA NG 37%

Police Director Mao Aplasca

CAMP CRAME – BUMABA ng 37 porsiyento ang overall crime rate sa Mindanao dahil sa umiiral na Martial Law.

Ito ang inihayag ni Police Director Mao Aplasca ng PNP Directorate for Operations.

Sinabi naman ni PNP Chief, Director General Oscar Alba­yalde na ang monthly average index crime rate o mga itinuturing na major crimes sa Mindanao ay 8.75% noong 2017, kumpara sa 5.92 percent mula January hanggang September ngayong taon.

Dagdag pa ni Alba­yalde, base sa statistika ay nakikita ng PNP na nakatulong ang Martial Law sa overall peace and order situation sa Mindanao.

Aniya, ang sentimiyento ng karamihan sa mga taga-Mindanao ay pabor sa Martial Law dahil sa improvement sa peace and order situation sa lugar.

Suportado, aniya, ng PNP ang pagpapalawig sa Martial Law sa Min­danao kung sakaling ito ang naging desisyon ng Malacañang base sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Magugunitang ­unang ipinatupad ang Martial Law sa Mindanao noong May 2017 nang sumiklab ang labanan ng Maute-ISIS at ng militar sa Marawi City, Lanao del Sur. R. SARMIENTO

 

Comments are closed.