MULING pinatunayan ng buong hanay ng PNP Regional Police Office 5 ang determinasyon sa paghahatid ng dekalibreng serbisyo para sa mga Bicolano matapos na makapagtala sila ng 20.34% pagbulusok ng kriminalidad sa rehiyon sanhi ng patuloy ang dekalibreng serbisyo sa publiko.
Sa pamamagitan ng 4-point agenda na ipinatupad ni Bicol PNP chief PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 patuloy ang pagbaba ng bilang ng krimen sa buong rehiyon.
Simula nang panunungkulan ni RD Estomo noong Abril 2021-hanggang Oktubre 28, 2021 bumulusok sa 20.34% ang kabuoang naitalang insidente na mas mababa ng 4.88% kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP-PRO5 Spokesperson P/Major Maria Luiza Calubaquib, base datos ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), 7,666 ang nairekord na krimen sa nasabing panahon ay higit na mas mababa ng 1,443 noong 2020 na mayroong 9, 109 na insidente.
Ito ay bunga ng mahigpit at masusing pagpapatupad ng batas kung saan 7,189 na kaso ang ikinunsidera ng “cleared”. Ito ay indikasyon na ang mga suspek sa krimen ay natukoy na.Kasabay din nito ang 5,858 “solved crimes”na isang pagpapahiwatig na naihain na ang kaso at naaresto na rin ang mga may sala.
Kabilang sa mga nagging estratehiya ng PNP Bicol ay ang paglulunsad ng iba’t ibang anti-criminality campaigns katulad ng kampanya kontra droga, wanted persons, at terorismo.
Bukod dito puspusan rin ang paglalatag ng programa at inisyatibo sa ilalim ng police community relations na nagging tulay upang matiyak ang suporta at ipanalo ang tiwala ng publiko patungo sa isang ligtas at payapang komunidad. VERLIN RUIZ