PASADO na sa House Committee on Justice ang substitute bill na nagbababa sa minimum age sa criminal liability mula sa 15 taong gulang sa 9 na taong gulang.
Ayon kay Justice Committee Chairman Salvador “Doy” Leachon, napapanahon na para pangalagaan ang mga bata base na rin sa itinatadhana ng 1987 Constitution lalo pa’t tumataas ang bilang ng mga batang nagagamit sa paggawa ng krimen.
Limang panukala ang inihain para ibababa ang edad sa criminal liability ng mga ‘children in conflict with the law’.
Sa ilalim ng panukala, bukod sa ibaba ang minimum age sa criminal liability ng mga kabataan sa 9 na taong gulang, nilinaw na hindi ikukulong ang mga batang makagagawa ng krimen.
Ang mga ‘children in conflict with the law’ ay isasailalim sa rehabilitation at i-coconfine ang mga ito sa Bahay Pagasa o sa Ag-ricultural Camp at training center.
Nakasaad sa panukala na kung ang batang edad siyam na taong gulang pero hindi bababa sa 15 taong gulang na nahaharap sa kasong murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping at paglabag sa Dangerous Drugs Act ay mahaharap lamang sa rehabil-itation at confinement sa Bahay Pagasa.
Ang mga tao o sindikatong gagamit sa mga kabataan sa paggawa ng krimen ay mahaharap sa kaukulang parusa.
Tiniyak ni Leachon na ‘confidential’ ang records ng mga batang lumabag sa batas.
Sa ilalim pa ng batas, ililipat ang Bahay Pagasa mula sa LGU sa DSWD at ginagarantiya ang paglalaan ng pondo sa ilalim ng General Appropriations Act.
Samantala, naniniwala ang Malakanyang na ang pagbababa sa edad ng mga batang nasasangkot sa krimen ay magbibigay proteksiyon pa sa mga kabataan.
Bagamat hindi naman tinukoy ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagbababa sa edad, sinabi nitong “The theory of the President is this: The present criminals are the very minors that were used by the criminals,” ani Panelo.
“By reducing the age of criminal liability, It will deter the criminals from using the minors because it’s useless for them do that because there will be criminal responsibility,” dagdag ni Panelo.
Walang pakundangan aniya ang mga sindikato at mga kriminal na gamitin ang mga kabataan sa kanilang kasamaan dahil pagkaraa’y hindi naman aniya ito makukulong dahil sa kanilang pagiging menor de edad.
“That’s why I think the law is geared towards the protection of the minors rather than, from the point of view of those opposing it that it’s against to their interest – I disagree,” giit pa nito.
Ayon pa kay Panelo, noon pa mang alkalde pa ng Davao City si Pangulong Duterte ay nais na niyang maging ang mga magu-lang ng mga batang sangkot sa mga krimen ay papanagutin na rin sa batas.
“Well, let’s just say that given the action of the President as mayor, I think he is open to making the parents accountable for the criminal acts of the children, if the law says that they can be criminally accountable. Because right now, it’s not allowed,” dagdag pa ni Panelo. CONDE BATAC, EVELYN QUIROZ
MALABONG MAIPASA
NAKATAKDANG simulan ngayong araw ang pagdinig ng Senado ukol sa pag-amiyenda sa uvenile justice law.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice, sisimulan ang pagdinig kaugnay sa pagbaba ng criminal liability ng kabataan sa edad na 9 taong gulang o maaring 12 taong gulang.
Inaasahang dadalo ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang mga kinauukulang ahensiya.
Nilinaw naman ni Gordon, hindi dahil sa pinatawag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya ito magsasagawa ng pagdinig kundi dahil sa matagal na itong ipinakiusap sa kanya ni Senate President Vicente Sotto III at nakipag-usap na rin ito sa mga senador noong nakaraang linggo.
Taliwas sa naging pahayag ni Sotto na kakayanin na maipasa ang panukalang batas bago mag-break ang session para sa cam-paign period, iginiit naman ni Gordon na malabong maipasa ito sa loob ng natitirang anim na araw na sesyon.
Ani Gordon, maaring maipasa ito sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo kung maipapasa ito sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-break ang Senado. VICKY CERVALES
Comments are closed.