CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE BINUO PARA SA 14 POW

NPA

AGUSAN DEL SUR – BINUO na ang Local Crisis Management Committee sa bayan ng Sibagat upang resolbahin ang pandurukot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 14 na tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Major Rodolfo Cordero Jr., Civil Military Operations (CMO) officer ng 401st Brigade, Philippine Army, patuloy ang kanilang pagsisikap na malocate na ang mga dinukot na dalawang sundalo at 12 ng mga CAFGU members upang kanila ng maisagawa ang rescue operation.

Nilinaw din ng opisyal na hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin at umaasang rerespetuhin ng mga rebeldeng abductor ang International Humanitarian Law upang makataong tratuhin ang kanilang mga bihag na sundalo.

Dagdag pa ni Major Cordero na patuloy ang imbestigasyon ng binuo nilang board of inquiry upang malaman ang buong katotohanan sa nangyari pati na ang umano’y pagpapasok nila ng mga babae sa nasabing CAFGU detachment sa Brgy. New Tubigon ng nasabing ba­yan. EUNICE C.

Comments are closed.