CRISS CROSS WINALIS ANG D’NAVIGATORS SA SPIKERS’ TURF

Standings W L
FEU 3 0
Savouge 3 0
Criss Cross 2 0
EcoOil-DLSU 1 0
Cignal 1 1
PGJC-Navy 1 1
VNS 1 2
D’Navigators 1 2
Martelli 0 3
Chichi 0 4

Mga laro bukas:
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. – Cignal vs Martelli
6 p.m. – D’Navigators vs PGJC-Navy

IPINAKITA ng Criss Cross ang kahandaan nito para sa Finals rematch sa Cignal sa 25-18, 25-14, 25-16 panalo laban sa Iloilo’s D’Navigators sa Spikers’ Turf Invitational Conference eliminations sa Ynares Sports Arena noong Linggo ng gabi.

Makakaharap ng King Crunchers ang HD Spikers sa unang pagkakataon magmula sa kanilang unang pagkatalo sa Open Conference noong nakaraang Mayo sa Philsports Arena sa Linggo.

Bago harapin ang Criss Cross, makakasagupa ng Cignal, na galing sa stunning defeat sa tournament revelation Savouge, ang wala pang panalong Martelli Meats bukas.

Ang King Crunchers ay nagtala ng 19 blocks sa one-hour, 24-minute demolition sa D’Navigators.

May 2-0 kartada, ang Criss Cross ay nasa solo third place sa likod ng unbeaten leaders Savouge at Far Eastern University-DN Steel.

Naniniwala si Gian Glorioso, dating Ateneo standout na humataw ng match-best 14 points, kabilang ang 8 blocks, upang punan ang butas na iniwan ni injured middle blocker Kim Malabunga, na marami pang ipakikita ang King Crunchers habang naghahanda para sa HD Spikers.

“Overall, I think it was a good performance. Obviously, we have some areas to improve on, some areas to work on pa.

I would say naman na collective effort talaga every win,” sabi ni Glorioso.

“No matter if naglalaro or not, sa training kasi nagsa-start ‘yung preparedness sa game eh so I would say lahat ng teammates ko… collective effort talaga,” dagdag pa niya.

Nag-ambag sins Nico Almendras at Open Conference MVP Jude Garcia ng tig-13 points, habang nagtala si skipper Ysay Marasigan ng 8 points at 6 digs para sa Criss Cross.