CRISTINE REYES BINURA LAHAT NG ALAALA NI ALI KHATIBI

CRISTINE REYES

CRISTINE Reyes has been denying that she and husband Ali Khatibi have some falling out. But as of sizzling bitsTuesday, October 9, ibinalik niya sa kanyang maiden name ang lahat ng kanyang social media accounts. On Instagram, she is now using @cristinereyesss and has disregarded her former user name which used to be @mrscristinekhatibi. Ganito rin ang kanyang gimmick sa kanyang Facebook at Twitter accounts.

Sa development na ‘to, mas lalong lumakas ang speculation na there is some truth to the ongoing speculation that they are already separated. Anyway, in her latest interviews, she wouldn’t deny nor confirm her separation with her husband. Sa mga ongoing speculation  na pinaalis na raw niya sa kanilang bahay ang kanyang asawa, deadma lang ang sexy actress.

At any rate, marami ang nagsasabing hiwalay na talaga sina Cristine because of some unsettled differences. Doon sa kumakalat na balitang pinaalis daw ni Cristine ang kanyang mister sa kanilang well-appointed residence, marami ang naniniwalang walang katotohanan ang balitang ito. May ibang mayroong hindi raw pinagkasunduan ang dalawa and it’s basically personal in nature. Per-sonal in nature daw, o! Hahahahaha!’

‘Yun nah!

LALONG LUMOLOBO ANG TIYAN SA KAKA-FOOD TRIP

SOBRA kung mag-food trip itong bondat na silahis kaya naman burgeoning na ang kanyang tiyan at parang palaki nang palaki. Palaki nang palaki raw, o! Hahahaha!

Do be careful, tagong-tagong claving, because you might end up having a heart attack. Having a heart attack daw, o! Hahahahaha! Pa’no dinadaan na lang sa pagpu-food trip ang mga nababasang lait courtesy of yours truly pati ang pagsemplang ng kanyang hawak na shows. Hahahahahaha!

Imagine, ‘yung ambitious soap na kasabay ng Onanay ni Ms. Nora Aunor ay hindi makaalagwa kahit na sabihing all star cast pa ‘yun and is being starred in by two of their supposedly bankable stars. Bankable raw, o! Hahahahaha!

Imagine, pinakakain ng alikabok ng Onanay ng Superstar and there is nothing that they can do to prevent the rating from sliding down the drain. Harharharhar!

Hurting!

Mga mata pa lang ni Ms. Aunor ang pinagagana ay hindi na sila makaalagwa. Hahahahaha!

How amusing! Kung ako sa inyo, tapusin ko na ang cheap ninyong soap dahil hindi na ito makaaalagwa (hayan, Ulikba, salitang ugat ang inuulit, ha? Hahahahaha!) sa pabolosang ratings ng Onanay!

Butata! Butata raw, o! Hahahahaha!

‘Yun namang isa, pini­pilit sana ng mahusay na morenong aktor na mai-save ito to no avail. To no avail daw, o! Hahahaha!

Pa’no, kapag umaarte na ang vavalina niyang leading lady na ewan kung saan napunta ang baywang (saan daw napunta ang baywang, o! Hahahahaha!) ay inililipat na agad sa ibang channel ng mga otawzing ang kanilang TV set. Hay, naku, silahis, magtinda ka na lang ng taho at baka kumita ka pa! Hahahahaha!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.