CROATIA PASOK SA WORLD CUP FINALS

Mario Mandzukic

MOSCOW, Russia – Umusad ang Croatia sa World Cup finals sa unang pagkakataon matapos ang extra-time goal mula kay Mario Mandzukic na nagbigay sa kanila ng 2-1 panalo laban sa England sa semifinals noong Miyerkoles.

Unang nakapagtala ng goal ang ranked 12 na England sa unang limang minuto subalit pagpasok ng second half ay naitabla ng Croatia ang iskor sa 1-1 sa loob ng 68th minute.

Natapos ang regular time na tabla ang talaan kaya nagkaroon ng 30 minutong extra time.

Sinamantala naman ito ng Croatia para makapag-goal sa 11 minutong natitira sa extra time.

Makakasagupa ng Croatia sa finals ang ranked 7 na France sa Linggo.

Comments are closed.