KASABAY ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila upang pigilan ang hawahan ng COVID-19, pinahigpit pa ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagbabantay ng pulisya sa 34 quarantine control points gayundin sa 17 border controls.
Habang inanunsiyo rin ang pagdaragdag ng mga polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa lugar na isinailalim sa MECQ gaya sa Metro Manila, Bataan, Laguna at Bulacan na magtatagal hangggang Agosto 31.
“Ngayon ay nagdagdagan ang mga permitted industries and establishments na puwedeng mag-operate at ang ibig sabihin nito, madadagdagan ang Worker-APORs (Authorized Persons Outside Residence) na lalabas,” ayon kay Eleazar.
Gayupaman,nananatili pa rin ang paghihigpit sa mga consumer-APOR (authorized persons outside residence) na hinahayaang makalabas sa panahon ng non-curfew hours.
Habang hindi rin sila hahayaang makalabas sa lungsod kung saan sila nakatira para bumili o kumuha ng serbisyo upang matiyak na ligtas sila sa COVID-19 lalo na’t naitala ng health authorities na mayroon nang pagkalat ng Delta variant sa Pilipinas.
Nanawagan ang PNP chief sa consumer –APOR na kung may kailangang bilhin at iba pang pangangailangan gaya ng pagkain at serbisyo ay sa kanilang lungsod na lang bumili at huwag nang lumabas.
“The PNP will not allow Consumer-APOR to cross borders just to avail of the goods and services of the permitted industries and businesses that are allowed to operate under the MECQ. Instead, they should do so within their respective localities or cities,” ayon sa kautusan ni Eleazar.
Giit ng heneral, base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force sa MECQ sa Metro Manila ang kanyang panawagan sa consumer-APOR.
Samantala, nilinaw din ni Eleazar na alinsunod sa kanilang pulong ni Metro Manila Council President Mayor Edwin Olivarez, ang local government units na ang bahala kung magpapatupad o hindi ng quarantine pass system sa kanilang nasasakupan at kung ano ang kanilang patakaran upang maiwasan ang kalituhan at maipatupad ang ito ng PNP nang maayos. EUNICE CELARIO
102575 898953I definitely did not realize that. Learnt something new correct now! Thanks for that. 309788
322540 538759How can I attract far more hits to my composing weblog? 726847
240219 235856You should participate in a contest for among the most effective blogs on the web. I will suggest this site! 760536
689926 174765This post gives the light in which we can observe the reality. This is quite nice 1 and gives in-depth info. Thanks for this nice article. 217040