CROWN OF THORNS STARFISH PESTE SA KARAGATAN

M AHIGIT sa 400 Crown of Thorns Starfish o Taeng kalabaw ang nahuli ng mga volunteer divers sa karagatan ng Anilao. Nagsimula sila noong ika-23 ng Mayo at sa ikalawang pagsisid sa karagatan ng Anilao, sila ay nakakuha pa ng higit sa 400 na taeng kalabaw.

Sa pangunguna ni Danny Ocampo kasama ng ilang di­vers sa Batangas, nagsagawa sila ng pangangalaga sa karagatang nasasakop ng Bauan, Mabini at Tingloy, na kilala bilang Anilao.

2Abala rin ang grupo sa mga clean-up activities sa pamumulot ng basura sa ilalim ng dagat.

Dagdag pa rito, inaasikaso rin nila ang pagmo-monitor ng Batalang Bato Marine Sanctuary sa Tingloy, Batangas, na nabalitang isang barko ang sumadsad sa loob ng Marine Protec­ted Area (MPA) noong kasagsagan ng bagyong Quinta.

Ang kanilang grupo ay binubuo ng mga kaibigang divers ni Ocampo, underwater photographer, mga nagtatrabaho sa environmental NGOs, at mga scholars na anak ng mangingisda na ngayon ay professional divers na rin.

Nagsimula ang grupo  noong buwan ng Mayo sa pagpuksa ng crown of thorns starfish dahil sa biglang pagdami nito.

Naging peste ang mga ito dahil kinakain ang mga corals o bahura.

Matiyaga silang nagbabantay at nangangalaga ng karagatan sa Pilipinas simula pa noong 1990.

3

Ngunit hindi lamang ito ang mga kinakaharap ng pangisdaan, sabi ni Ocampo, “Patuloy na naapektuhan ang karagatan ng Batangas ng pag-dagsa ng mga basura at pagpasok ng komersyal na pamalakaya sa municipal waters. Umaangal ang mga mangingisda na kokonti na lamang ang kanilang nahuhuli.”

Dagdag ni Ocampo, dapat paigtingin ang lakas ng Marine Protected Areas (MPA) upang makatulong na mabawasan ang over exploitation ng likas na yamang dagat at upang manumbalik ang kasaganaan ng isda at iba pang yamang-dagat.

Walang ngipin ang batas tungkol sa pangangalaga ng karagatan kaya dapat matutukan at mapagtibay ito. –– RIZA ZUNIGA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *