CRUZ ‘DI NA NAG-RENEW NG KONTRATA SA NLEX

on the spot- pilipino mirror

LAST na pala ni Jericho Cruz ang kanyang game sa NLEX Road Warriors kontra Blackwater Bossing kung saan nanalo ang tropa ni coach Yeng Guao, 109-100.

Maganda ang ipinakita ni Cruz sa kanyang huling laro sa kanyang mother team. Dahil nga tapos na ang kontrata niya sa Road Warriors ay pumirma na ito ng kontrata sa kampo ng San Miguel Beer. Kaya nga buena manong laro ni  Jericho sa Beermen laban sa Rain or Shine Elasto sa March 1.

Ayon kay coach Yeng, hinayaan nilang magdesisyon si Cruz pagkatapos ng kontrata ng player sa team. At nalagay na nga ito bilang unrestricted free agent. Bagaman inalok nila ng 2- year contract si Cruz ay minabuti pa rin ng player na lumipat sa SMB.

Hindi naman pinigilan ni coach Yeng ang desisyon ng kanyang inaanak sa kasal,  na ginudluck pa ni Yeng sa lilipatang team. Sana nga ay hindi nagkamali sa kanyang desisyon ang Fil- Guamanian. Good Luck.

vvv

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi na first five itong si L.A Tenorio sa Brgy Ginebra. Nagtataka ang fans ng  Gin Kings, lalo na yaong followers ni ‘Ironman’.

Ang dahilan naman pala kung bakit ‘di ito napi-first five  ni coach Tim Cone ay may iniindang injury si L.A. na hindi puwedeng puwersahin. Alalay lang ang paggamit sa kanya ni coach upang ‘di lumala ang injury ng player. Get well  soon.

vvv

Abangan ninyo ang  basketball training camp ng JAMS .Dadayuhin nila kayo sa Luzon,,Visayas at Mindanao. Pangungunahan ito ni coach Arlene Rodriguez na siyang pinaka-head ng basketball clinic ng naturang kompanya. Si coach Rodriguez ay dating head coach ng Shell Turbo Charger at naging asst. coach ni  Sonny Jaworski sa Ginebra. May 50 places ang pagdarausan ng Jams basketball training camp na siguradong marami kayong matututunan at kakaiba sa ibang turo ng mga coach na nagba-basketball clinic

Ang Jams baksetball training camp ay inorganisa ng Jams Artist Entertainment  sa pamumuno nina Mr. Jojo Flores at Ms. Maricar Moina.