Kailangan natin ang bilis, seguridad at cost-efficiency sa bawat aspeto ng ating buhay, lalo na sa usaping pinansyal, kaya naman agad natanggap ng marami ang cryptocurrency.
Mahirap kumita ng pera, kaya gusto natin, hindi ito basta-basta nawawala. Madalas kasing ma-hack ang mga bangko, Minsan nga nahoholdap pa. Sa cryptocurrency, para kang nakakuha ng knight in shining armor.
Sa mga negosyante, time is money, at sa mabilis na takbo ng mundo, sayang ang oras sa paghihintay ng financial transactions. Matagal sa traditional banking systems, lalo na kung international transfers — aabutin ng ilang araw, minsan nga linggo pa. Pero sa cryptocurrency, minutes lang andyan na. Parang teleportation ni Harry Potter.
Hindi lang yan! Mas mura ang charges dito. Mas madali ring bitbitin dahil ang Cryptocurrency ay naiimbak sa digital wallets — I’m sure pamilyar kayo dyan. Merong GCash, Paymaya, at iba pa. Kahit magkaholdapan sa bus at natangay ang cellphone at laptop mo, andyan pa rin ang pera. Ikaw lang kasi ang may alam ng password mo. Kaya kadalasang ang mga kumpanya ngayon ay cryptocurrency na ang pagbabayad. Iwas-nakaw, well-organized pa.
Unti-unti nang tinatalo ng cryptocurrency ang traditional banking kaya napilitan na rin silang mag-adjust. Kahit remittances at online purchases ay gumagamit na rin ng cryptocurrency. Kahit nga sa palengke pwede nang magbayad ng GCash. Ako mismo, konti lang ang dala kong cash — for emergency lang. Cryptocurrency na ang ginagamit ko, kahit sa Uber at habal, pati sa restaurants. Syempre, cash ang tip.
May disadvantages at risks din naman ang cryptocurrency. Kelan lang, na-hacked ang GCash at maraming nanakawan, Kasama na ang comedianne na si Pokwang na P85,000 daw ang nawala. E Kasi naman, hindi bangko ang GCash. Easy payment lang sya pang-araw-araw. Hindi ka naman gagastos ng P10,000 sa isang araw, hindi ba?
Laging tandaang lahat ng bagay, kahit pa ang magic ni Harry Potter ay may advantages at disadvantages. Nasa sa’yo na ang pag-iingat.
JAYZL NEBRE