SINIMULAN ng College of Saint Benilde ang title-retention bid nito sa pamamagitan ng 4-0 pagbokya sa Emilio Aguinaldo College sa 95th NCAA seniors chess tournament noong Sabado sa San Beda campus.
Hindi nagpadaig ang last season’s runner-up Lyceum of the Philippines University, na naitala ang 3-1 panalo laban sa Mapua.
Nanguna si board 1 player Daryl Unix Samantila para sa opening round victory ng Blazers.
Sa iba pang Round 1 results, pinadapa ng Arellano University ang Jose Rizal University, 4-0, habang naungusan ng University of Perpetual Help System Dalta ang Letran, 2.5-1.5.
Nasingitan din ng reigning juniors champion Perpetual Help, sa likod ni top board Eric Labog. Jr., ang Letran, 2.5-1.5, para sa winning start.
Ginapi naman ng LPU, second placers noong nakaraang taon, ang Mapua, 4-0, pinataob ng San Beda ang San Sebastian, 3.5-.5, ibinasura ng EAC ang CSB-LSGH, 3-1, at dinispatsa ng Arellano ang JRU, 3.5-.5.
Comments are closed.