CSB CHESSERS UMALAGWA

Chess

PINATAOB ng defending seniors champion College of Saint Benilde ang  Letran, 3.5-.5, upang manatili sa ibabaw ng standings sa 95th NCAA chess tournament sa San Beda campus.

Nagwagi ang Blazers sa lahat ng kanilang tatlong ties sa mahabang weekend upang iangat ang kanilang six-round total sa 19.5 points.

Naitala ng San Beda ang 4-0 pagbasura sa Arellano University upang makalikom ng 16.5 points sa ikalawang puwesto at manati­ling nakadikit sa St. Benilde.

Umakyat ang University of Perpetual Help System Dalta sa ikatlong puwesto na may 13 points makaraang gapiin ang Lyceum of the Philippines University, 2.5-1.5.

Naiposte naman ng Jose Rizal University ang 2.5-1.5 decision kontra  Mapua sa isa pang men’s tie.

Samantala, nagkasya ang back-to-back title-seeking Junior Altas sa 2-2 stalemate sa Junior Pirates.

Napanatili ng Perpetual Help ang liderato sa kabila ng draw na may 20 points.

Nangibabaw ang San Beda laban sa Arellano, 4-0,  upang kunin ang ikalawang puwesto na may 19 points. Bumagsak ang Braves sa ikatlong puwesto na may 18 points.

Comments are closed.