LUBOS na nagpapasalamat si Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles kay Australian Embassy Counselor for Political, Economic and Public Affairs James Yeomans sa pangunguna nito para maisakatuparan ang Capacity Building Program on Leadership Development and Strategic Human Resource Management and Organization Development kamakailan.
Nabatid na sa pagsasanib-puwersa ng CSC at Australian Public Service Commission (APSC), naging matagumpay ang pagdaraos ng 3-day workshop na dinaluhan ng mga opisyal at tauhan ng CSC Central at Regional Offices, na ginanap sa SEAMEO Innotech, Diliman, Quezon City.
Ayon kay Nograles, layunin ng naturang programa na mapabuti ang kaalaman ng mga participant sa makabagong paraan sa larangan ng ‘leadership development and strategic HROD’, na layuning mas maging epektibo sila sa kanilang HR functions.
“This capability building intervention is a partnership that resulted from a productive meeting that I had with APSC Officials in January of this year. Through that meeting, the significant role of HR practitioners and government leaders was emphasized, thus, magnifying the need to capacitate our workforce as an essential strategy for us to create and transform future-ready civil servants,” sabi pa ni Nograles.
Bilang pinuno ng central HR agency ng Philippine government, kinikilala ni Nograles ang pagkakaroon ng patuloy na pagbabago sa leadership at human resources kaya naman mahalaga para sa kanya na maging aktibo ang CSC sa pagpapabuti at pagpapahusay ng kanilang hanay upang makatugon sa kasalukuyang panahon at higit na epektibong magampanan ang kanilang tungkulin.
Sa naturang workshop, na dinaluhan din ni Australia Awards Program Director Milalin Javellana and Tertiary Education Adviser Mark Kilner, ibinihagi nina Subject matter experts Lisa Howdin at Jo Cantle, na mula sa APSC, ang mga impormasyon hinggil sa ‘digital and career options in the government’, sa pamamagitan ng APSC’s Career Pathfinder.
Tinalakay rin nila ang processing at preparation ng Training Needs Analysis tools and interventions, kasama na ang demonstration sa paggawa ng Organizational Development Program Template. ROMER R. BUTUYAN