CSC BUWAGIN

MASAlamin

SA GINAWANG pagbubunyag ni Sen. Imee Marcos ay mukhang natutulog sa pansitan ang Civil Service Commission (CSC) at nagiging kaharbat na ng mga sindikato sa gobyerno.

Sinabi ko e gibain pero ang ibig kong sabihin ay lansagin na ang hanay ng mga opisyal  diyan at palitan na ng mga bagong dugo, nangangamoy ang masangsang na alingasaw ng mga lumang utak diyan, e.

Dahil sa kapalpakan ng mga nakatoka diyan sa CSC ay daang libong mga posisyon sa gobyerno ang hindi napupunuan ng trabahante samantalang milyon-milyong nga kababayan natin ang pawang mga walang trabaho ngayon.

Computerized na po ang buong daigdig ngayon kung bakit nasa lumutan pa rin mga utak ninyo diyan!

Ngayon ano ang ginagawa ng mga departamento at ahensiyang  hindi napunuan ang mga bakanteng posisyon? Hayun parang mga piranhang sinisibasib ang mga pondong nakalaan sana sa mga trabahante matapos nilang ideklarang savings ang mga perang ‘yan.

Isang malaking sindikato na ba talaga ang pamahalaan? Nagpoprotektahan ng kani-kanilang personal na interes at hindi ang interes ng sambayanan?

E para tayong kumuha ng mga makapili sa lipunan at ginawa nating mga amo ng mamamayan!

Grabe ang korupsiyon,  kaliwa’t kanan. Walang kinatatakutan. Ang hudas sa buhay ng taumbayan ay mismong ang pamahalaan.

Comments are closed.