CSFI, MVP GROUP SANIB PWERSA PARA SA CASUALTY AND CANCER CARE CENTER

Pinangunahan ni Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI) President Rose Marie J. Arenas at Chief Finance Officer, Evelina G. Escudero ang makasaysayang pag-turnover ng donasyon para sa itatayong bagong Casualty and Care Center sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) Medical Center o kilala rin sa tawag na V. Luna Medical Center.

Sa pagtutulungan ng 19th Congress CSFI, sa pangunguna ni Chairperson Yedda Marie K. Romualdez, House Speaker Martin G. Romualdez at Mr. Manny V. Pangilinan, inaasahang matatapos na ang nasabing casualty care center bago matapos ang taon.

Ang proyekto ay bilang pagkilala at pasasalamat sa kabayanihan ng mga sundalo ng AFP na walang takot na inaalay ang buhay para masiguro ang kapayapaan ng bansa.

Tinanggap ni Dr. Victor Gisbert, presidente ng Makati Medical Foundation at kinatawan ng MVP Group of Companies ang nasabing donasyon.

JUNEX DORONIO