CTG SA SOUTHEASTERN MINDANAO TAPUSIN NA

DAVAO DE ORO – IPINAG UTOS ni 10th Infantry (Agila) Division Commander Major General Nolasco A Mempin sa kanyang brigade at battalion commanders na tapusin na ang nala­labing communist terrorist group sa lalong madaling panahon.

Inihayag ito sa 1st 10th ID Command Conference para sa Calendar Year 2023 na ginanap sa Balunto Hall, Camp General Manuel T Yan Sr., Mawab, Davao De Oro kamakalawa para wakasan na ang mga na­lalabing banta sa kanilang nasasakupan.

Nagbaba ng kanyang Command Guidance si MGen Mempin kung saan partikular na tinukoy nito ang total eradication ng Weakened Guerilla Front 57 sa lalong madaling panahon.

“Let us remain vigorous and resolute in all our efforts in establishing a culture of security, and deliver a strong message to all forms of threats that they have no place in the entire area of responsibility of Joint Task Force Agila,” ani MGen Mempin .

Binigyang diin ni MGen Mempin ang kahalagahan ng intelligence-driven operations sa pagtugis sa nalalabing CTG at ang tuloy- tuloy na pakikipag tulungan sa local chief executives sa pamamagitan ng kani-kanilang Task Forces in Ending Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) at iba pang itinatag na mekanismo upang masupil ang muling pagbangon ng CTG .

Sa ginanap na talakayan, binalikan ng 10th ID ang kanilang inilunsad na kampanya para sa Calendar Year 2022, kung saan ay nagawang wasakin ng Agila Division ang 12 NPA units at ideklarang Insurgency-Free ang buong Region 11. Ang ikatlong rehiyon sa Pilipinas na nakapagdeklara ng insurgency free. VERLIN RUIZ