PUWEDE bang itigil na natin itong usapan tungkol sa nasabi ni Pangulong Duterte na kayang bumiyahe mula Cubao hanggang Makati sa loob ng limang minuto? Bakit ka ninyo? Dahil ang pagkasabi ni Pangulong Duter-te ay parang ‘figure of speech’ lamang.
Hindi na ba kayo nasanay sa mga anunsiyo ni Pangulong Duterte dati na medyo pabiro ang dating subalit ang mensahe ay may kahulugan? Tulad ng mga anunsiyo niya laban sa ilegal na droga. Handa raw siyang pumatay ng pusher ng droga o adik upang matigil lamang ang paglaganap ng mga ilegal na droga na salot sa ating lipunan. Sa palagay ba ninyo ay papatay si Duterte kapag ito ay nahuli ng mga awtoridad? Siyempre, hindi po. Maliban lang kung manlaban ang nasabing kriminal. Tiyak may kalalagyan ito.
Kaya naman ang mga oposisyon, pati na rin ang ilan sa mga international community ay paniwalang-paniwala na nagsasagawa ang ating gobyerno ng extra judicial killing sa ating bansa. Ito ay kabaligtarang pananaw ng kar-amihan sa ating mga Filipino sa kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga. Malinaw na malinaw. Ang satisfac-tion rating ng ating Pangulo sa loob ng tatlong taon ay hindi bumabagsak. Patunay na sang-ayon ang karamihan ng sambayanan sa kanyang ginagawa.
Ngunit mabalik tayo sa sinabi ni Duterte tungkol sa biyahe na limang minuto mula Cubao hanggang Makati. Para sa akin, ito ay mensahe lamang ng ating Pangulo upang magpursige ang mga namamahala sa traffic sa ED-SA na pagbutihin ang kanilang trabaho. Kasama na rito ang pagmamadali ng mga plano at proyektong im-praestraktura upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila.
Kaya naman huwag na sanang patulan ito ng ating mga ahensiya sa gobyerno na may kaugnayan sa pag-sasayos ng daloy ng trapiko sa Metro Manila. Mas maganda pa kung gawin nilang gabay ito upang seryosohin ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa ating mga mananakay at motorista.
Bagama’t nirerespeto ko ang sinabi ni PNP-HPG director Brig. Gen. Roberto Fajardo na kaya nilang tuparin ang sinabi ni Pangulong Duterte na limang minutong biyahe ang Cubao papuntang Makati, ang mga mananakay at motorista ay makukuntento na kapag nabawasan ang kanilang biyahe ng isang oras. Sa totoo lang, ang normal na biyahe mula Cubao hanggang Makati sa kasagsagan ng trapiko ay umaabot ng isang oras at kalahati. Maibalik lamang nila ng trenta minutos ay malaking ginhawa na sa amin.
Huwag na sanang magsalita ang mga opisyal ng MMDA, PNP-HPG, DOTr o anumang ahensiya ng gobyerno at seryosohin ang sinabi ni Pangulong Duterte sa limang minutong biyahe. Hamon lamang ito sa kanila. Gawin lamang ninyo ang inyong trabaho. Higpitan ang pagpapatupad ng disiplina sa lansangan. Hulihin ang mga lumalabag sa batas trapiko. Bantayan ang mga sasakyan na nagpapalit ng plaka at conduction sticker upang makaiwas sa number coding. Ilagay sa wastong lugar ang babaan at sakayan ng mga pampublikong sasakyan. Hawiin at ibalik sa sidewalk ang mga komyuter imbes na kumakain ng ilang lanes sa EDSA upang makauna sa sakayan na nagreresulta sa pagsisikip ng trapiko.
Tanggalin ang mga illegal vendor sa sidewalk at marami pang iba. At higit sa lahat, pilitin na matapos sa takdang petsa ang mga proyektong pang-impraestraktura upang lumuwag ang traffic sa Metro Manila. Huwag na natin pag-usapan ang limang minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati.