Culinary Excellence ng Pinoy maipagbamalaki

ISIPIN na lamang natin kung gaano mahilig sa pagkain ang mga Filipino. Hamak pa bang patunay ang mga fiesta, birthday, reunions at kung anu-anong pang imbentong okasyon para makapaghanda?

Lahat ng iyan ay excuse lamang para makapagluto at makakain ng masarap. Sa kung ano pa man, may mga taunang celebration sa bawat lugar para mag-get-together at maipamarali ang husay nina nanay at ate sa pagluluto.

Ang pagbisita sa Pilipinas ay hindi lamang para makita ang magagandang tanawin. Isa rin itong culinary odyssey, kung saan sa bawat bayan ay may kani-kanyang specialty.

Natikman mo na ba ang Batangas Bulalo? Mas masarap kung kakainin ito sa karinderya dahil authentic ang lasa.

Magugustuhan mo rin ang pakbet bagnet ng mga ilocano, na talaga namang super! Makakalimutan mo ang pangalan mo.

Aba, hindi rin pahuhuli ang tocino ng Pampanga, at ang longaniza ng Lucban, Quezon.

Napakasarap din ng Bicol Express na ang local name ay dinakdakan. May pinikpikan din sa Sagada, na sobrang sarap ngunit kapag nalaman kung paano ginawa, maaawa ka sa manok.

Sa totoo lang, naoakaraming gastronomic offerings Ang bawat rehiyon ng Pilipinas na babagay sa panlasa ng sino man. Mula sa simpleng sinigang sa kumplikado at masarsang caldereta, lahat sila ay madasabing gourmet delights at family-friendly, pati na ang presyo — lalo na kung sa karinderya ninyo ito titikman.

Marahil, napansin ninyong kanina ko pa binabanggit ang mga karinderya. Batay kasi sa karanasang ko, mas authentic ang lasa at mas high-quality Ang service sa mga kainan sa tabi-tabi, libre pa ang kwento, na nagsisilbing entertainment habang kumakain kayo. RLVN