HINDI naman matatawaran ang spirit ng Team Culion ng iOptions Ventures Corp at Team MSB ni Shandii Bacolod kung sila ang huli sa walong entries sa katatapos na MMFF 2019 (Metro Manila Film Festival).
Dahil habang lumalaon na marami pa ang nakakahabol para ito mapanood, mas magaganda pa ang reviews na namumutawi sa mga taong nakakapanood ng pelikula nina Iza Calzado, Meryl Soriano at Jasmine Curtis Smith.
Tuwang-tuwa si Meryl sa napakalaking suportang ibinigay ng amang si Willie Revillame, nang anyayahan nito ang buong cast ng pelikula para makisaya sa “Wowowin”. Pero, may tanong ang mga tao kung naipakilala na raw kaya ni Meryl ang tinutukoy na pinakamalapit na lalake sa puso niya, maliban sa anak na si Eli.
Nang makasama ni Meryl at ng kanyang pamilya si Joem Bascon nitong Pasko, hindi na nawala ang hinala at duda na malamang na they are already playing sweet music together. Matagal nang hiwalay sa kanyang matagal na nakarelasyon si Joem. Nagkasama pa sila ni Meryl sa matatapos ng “Starla” at dito nga sa “Culion”. Basta kung saan sila masaya eh, ‘di suportahan na lang, ‘di ba?
PHIL IDOL FINALIST REYMOND SAJOR GUSTO PA RING MAGKAPANGALAN
WHAT HAS 2020 in store for musician Reymond Sajor?
Before the year ended, he went to the place he considers his second home. Para muling makadaupang-palad ang mga taong tuloy na naniniwala sa kanya sa Indonesia.
“Before my meet and greet, I visited Indosiar Studio to see Soimah and some people from Golden Memories Asia… I was so happy to see them all again. I also had the chance to meet the Philippine team that’s representing the country in Indosiar’s ongoing talent show. And most importantly, I feel really grateful that I was able to spend time with my Indonesian supporters for a special dinner where I sang and promoted my new single ‘Roadtrip.’
Maaalala na naging Philippine Idol finalist si Reymond noong 2006. Kaya nga, gusto pa rin nitong makilala ang pangalan niya sa larangang matagal na niyang binuno. Mapapakinggan na sa sari-saring platforms na gaya ng Spotify at iTunes ang kinagigiliwang single niya at looking forward daw siya na makagawa pa ng mas maraming kanta para mas lalo pa mapasaya ang supporters niya here and abroad!
Comments are closed.