CULION. Nag-aaral pa lang ako, isang salita lang ang alam ko tungkol sa lugar na ito…ketong. Isang sakit sa balat na mahirap gamutin. Ito ang lugar ng lepers o may leprosy.
May script noon si Ricky Lee. Lino Brocka project, “Huwag Mong Salingin Ang Sugat Ko,” shot in Culion. Nakamatayan ng great director at itinuloy ng great actor na si Christopher de Leon.
Fast forward sa ngayon. Kahit marami na ang mga dokumentaryong lumabas tungkol sa nasabing isla, pero karamihan nga, ang ipinapakita ay ang mga may sakit noon.
Iba na ngayon ang Culion. Kaya nakagawa ng istorya si Ricky Lee katulong ang producer ng Team MSB na si Shandii Bacolod. Personal nilang sinadya at kinausap ang mga kinauukulan na isinara na sana ang kanilang mundo dahil sa mapangutyang panghuhusga ng mga tao.
Napabilang kami sa media na nakasama sa shoot nito sa mismong isla sa pamamagitan ng Team MSB at ni Iza Calzado na producer at artista rin nito at ang iOptions Ventures Corp. ng mag-asawang Peter at Gilie Sing.
Marubdob ang auditions na ginawa para sa bawat karakter kung saan ang nabuong istorya ng master writer ay tungkol sa tatlong magkakaibig-an na sina Anna, Doris at Ditas portrayed by Iza, Meryll Soriano and Jasmine Curtis Smith respectively. Kasama sina Joem Bascon, Mike Liwag, Suzette Ranillo, Simon Ibarra, Joel Saracho, Lee O’Brian, Rex Lantano, Mai Fanglayan, Aaron Concepcion, Jack Falcis at may isang daan pang iba.
Ang direktor nito ay hindi matatawaran dahil isa siyang guro, si Alvin Yapan. Ang mga kumuha sa mga madamdaming eksena ng madilim na nakalipas ng “Culion The Movie” ay ang tinitingala sa larangan niya as director of photography na si Neil Daza.
Naranasan namin ang pinag-usapan, na sa klase pa lang ng audition ng produksyon, meron ang Team MSB. Walang nagutom, may pa-catering pa.
Ganoon sa apat na araw na binantayan namin ang mga shoot nila at makapanayam ang mga artista.
Binisita namin ang Museo ng Culion at ang kanilang archives kung saan matatagpuan ang mga larawan ng naging buhay ng mga nanirahan doon, ginamot at ang buhay na dinaanan nila sa panahon ng kadiliman sa kanilang mga buhay.
Ngayon, sumasabay na sa pag-asenso ng mundo ang Culion sa pinalalaganap nitong global appeal.
Isang araw, may nakausap kami na mga turista na bumisita sa isla. Mula sila sa Pampanga. At natutuwa sila na malaman kung ano ang Culion at aabangan din daw nila ang pelikula dahil may mga kababayan silang kasama rito.
Wala nang dapat na ikatakot sa pagtapak sa Culion. Mababait ang mga tao. Zero ang crime rate. Patuloy ang buhay sa kanilang pagtatanim at pangingisda. At sa mga karatig-isla, may mga mapupuntahan pa rin ang mga bisita gaya sa Pass Island at sa Sunlight Eco Tour Island Resort. Paraiso!
Nagkakaisa ang mga artista nito sa layunin na mabura na ang stigmang natatak sa Culion as a Leper Colony. Dahil matagal na itong nabura.
Ngayon, babalikan nila ang mga makadurog-pusong eksenang dinaanan at naaalala pa ng ilang mga salinlahi na ng kanilang mga ninuno.
Para kina Iza, “This is a story that should have been told years ago. This is just the perfect time to share it with our kababayans and the whole world.”
Is it a UNESCO Heritage Site?
In May 2018, it was reported that the Culion Leprosy Archives (Culion, Palawan) is officially inscribed to the UNESCO Memory of the World Asia-Pacific Register today. The nomination was spearheaded by Culion Sanitarium and General Hospital Chief Dr. Arturo Cunanan and was strongly supported by the National Historical Commission of the Philippines and the Philippine National Commission for UNESCO.
The UNESCO Memory of the World Registers list humanity’s most significant documents and archival collections and composed of the youngest UNESCO heritage list after the World Heritage List and the Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity.”
Iba ang ganda at halinang mayroon ang Culion. Abangan sana sa MMFF 2019!
Comments are closed.