QUEZON CITY – TINALAKAY sa Kalayaan College ang kultura ng tabloid noong Nobyembre 5 kung saan naging resource person ang isa sa desk ng pahayagang ito, PILIPINO Mirror.
Naging mabusisi at prangka ang moderator/coordinator ng seminar-forum na si Dr. Belle Villanueva ng Arts and Humanities cluster hinggil sa kultura ng tabloid gayundin ang antas ng content ng tabloid.
Naging matagumpay ang pagdepensa ng mga resource speaker hinggil sa role ng tabloid sa publiko.
Sa nasabing talakayan, ipinaunawa ng mga resource person gaya nina veteran journalist Joe Torres at Prof. Ben Domingo ang mahalagang ginagampanan ng tabloid.
Anila, pangmasa ang tabloid, madaling naisasalin ang pagbabalita na bukod sa mas mura ang presyo kaysa broadsheet, karamihan at Tagalog pa ang medium ng wikang ginagamit.
Bagaman pumapasok na sa cyberspace ang ibang media company, positibo rin ang mga peryodista na hindi basta mai-scrap ang print media dahil mabigat ang responsibilidad nito.
Sandigan pa rin ng maingat na pagbabalita ang print media at kasama ang tabloid.
Ang pagiging tabloidista pa rin ang kumakatawan sa pagiging noble profession ang journalist dahil sa kalakasan ng loob na maghayag ng impormasyon araw-araw.
Maging ang mga estudyante ay naengganyo na kilalanin ang kultura ng tabloid makaraang marinig ang mayayamang impormasyon na itinaguyod ng mga resource person. EUNICE C.