INIANUNSYO ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na aalisin na simula Nobyembre 4 ang general curfew hours sa National Capital Region (NCR).
Ani Abalos, ang hakbang ay napagkasunduan na ng lahat ng mga alkalde sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi niya na kung mayroon nang umiiral na curfew hours sa mga local government unit sa NCR para sa mga menor de edad ay maaari itong sundin.
Samantala, pumayag na ang mga mall operators na magbukas ng alas-11 ng umaga hanggang alas-10 o ala-11 ng gabi. DWIZ882