CURFEW HOURS INIKLIAN NA

EPEKTIBO ngayong Hunyo 15 ang pagsisimula ng bagong curfew hours na alas-12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Ito ayon kay Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos makaraang magkasundo ang Metro Manila mayors na iklian ang ipinatutupad na curfew hours.

Sa Laging Handa Public Briefing ay sinabi ni Abalos na nagpulong noong Linggo ang mga alkalde at nagkaisa na bawasan ang oras ng curfew.

Ang kasalukuyang curfew hours ay mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

“This will give more time sa mga taong kakain sa restaurants, sa mga malls na magbukas, may travel time at siguro makakatulong nang husto na sa ating ekonomiya; ito ho’y pinasa ng lahat ng alkalde ng Kalakhang Maynila,” wika ni Abalos.

Ayon kay Abalos, ibinase ng Metro Manila mayors ang desisyon sa data na nagpapakita na ang daily attack rate sa National Capital Region nasa 6.76 % na lang habang ang two week growth rate ay nasa -16.5%.

Nangangahulugan na hahaba rin ang oras ng operasyon ng ibang mga negosyo at establisyimento, na makatutulong aniya para unti unti nang sumigla ang ekonomiya. EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “CURFEW HOURS INIKLIAN NA”

  1. 473284 915508These kinds of Search marketing boxes normally realistic, healthy and balanced as a result receive just about every customer service necessary for some product. Link Building Services 773108

Comments are closed.