CURFEW HOURS PAIKLIIN PARA SA MAS MAHABANG BIZ HOURS – DTI

SEC LOPEZ-1

HINIKAYAT ni Trade Secretary Ramon Lopez ang local government units (LGUs) na nagpapatupad ng curfew sa kanilang mga lugar sa gitna ng community quarantine, na simulan ang curfew hours sa hatinggabi upang makapag-operate ang restaurants at fast-food chains ng mas mahabang oras.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni Lopez na ang mas mahabang operating hours ay magbibigay-daan para mas maraming customers ang ma-accommodate ng restaurants at fast-food chains na may dine-in services.

Aniya, limitado ang kita ng naturang mga negosyo dahil sa restricted capacity na ipinatupad sa dine-in restaurants at  fast-food establishments.

“I hope they will allow it because it will give additional income also to the workers if they will extend it because it will have more turnover, at least for dinner,” wika ni Lopez, at idinagdag na ang dinner time ay bumubuo sa 40 percent hanggang 50 percent ng daily revenues ng dine-in restaurants.

Ang dine-in services sa restaurants at fast-food chains ay pinapayagan sa 30 percent capa­city sa mga lugar na nasa ilalim ng  general community quarantine (GCQ) at hanggang 50 percent sa mga lugar na nasa ilalim ng modified GCQ (MGCQ) magmula noong Hunyo 21.

“We advise and enjoin our local government units to allow the extension of curfew. Instead of starting it at 10 p.m., make it 12 (midnight), so that restaurants can operate up to 10 p.m.,” ani Lopez.

Sinabi pa niya na dapat na mahigpit na ipatupad ang health protocols sa mga restaurant sa unti-unting reopening ng business activities.

Nasa 400 establisimiyento ang mino-monitor ng DTI araw-araw upang matiyak na nasusunod ang health protocols, kung saan ayon kay Lopez ay 92 percent hanggang 100 percent ng restaurants at fast-food chains na nag-aalok ng dine-in services ang sumusunod dito.

Nauna niyang sinabi na tataasan ng DTI sa Hulyo 21 ang capacity ng dine-in services sa hanggang 50 percent sa GCQ areas at hanggang 75 percent sa MGCQ areas.

“It is hard to think that businesses will halt their operations again,” wika ni Lopez nang tanungin sa posibilidad na ibalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na rmodified enhanced community quarantine dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.      PNA

Comments are closed.