PAIIKLIIN na ng Metro Manila mayors ang curfew hours sa rehiyon simula sa Huwebes, Setyembre16.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, ito ang napagbotohan ng mga miyembro ng Metro Manila mayors nang magpulong ito kamakailan.
Ipatutupad ang pinaikling curfew hours o mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kasabay ng alert level system sa Metro Manila.
Samantala, nakatakda namang ilabas ng Metro Manila Council (MMC) ang napagkasunduang resolusyon.
Ang Metro Manila Mayors ay nag-meeting…nagkaroon po kami ng survey kung pati na rin ang curfew hours ay babaguhin natin. So ito po ay inuusad na, na ang implentasyon na ito ay isasabay sa pilot. Magiging 10 o’clock na po ng gabi hanggang alas-kwatro ng umaga.
Ito ang pahayag ni MMDA chairman Benhur Abalos sa Laging Handa briefing. DWIZ882
654888 528240Some genuinely excellent weblog posts on this internet website , regards for contribution. 221206