CURFEW PINAIKLI SA KAPASKUHAN

Toby Tiangco

BINAGO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang kanilang curfew ordinance upang payagan ang mga residente na dumalo sa tradisyunal na Simbang Gabi o pang madaling araw na misa para sa Pasko at Bagong Taon.

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-49 na binago ang Section 4 ng nakaraang curfew ordinance ng lungsod.

Ang bagong curfew ordinance ay simula 11 PM hanggang 2 AM para sa matatanda sa Disyembre 15-23, 2020. Aalisin naman ang curfew sa Disyembre 24, 25 at 31, 2020 at sa Enero 1, 2021.

Samantalang, magpapatuloy naman ang 24-oras curfew para sa mga minor hanggang sa matanggal ang community quarantine.

“We are still in the middle of a pandemic, and as long as we have COVID cases in the city, the health and safety of our people will remain our top priorities,”  ani Tiangco.

“While we are relaxing our curfew, we remind everyone to be vigilant and follow the safety protocols. Always wear your face mask and face shield, keep your distance, and wash your hands frequently,” dagdag pa nito.

Kasabay  nito, handa ang mga simbahan sa lungsod na doblehin ang bilang ng mga tao para sa simbang gabi at titiyaking masusunod ang physical distancing. EVELYN GARCIA

Comments are closed.